Ang Aking BLEPT Journey: Mula non-Educ Major Hanggang Lisensyadong Guro

Ang Aking BLEPT Journey: Mula non-Educ Major Hanggang Licensyadong Guro

Noong 2010, fresh na fresh (haha!) akong pumasok sa unibersidad bilang isang BSMath student. Hindi ako Education major, kasi Math ang nagustuhan ko (at, let’s be honest, hindi ko naisip na magturo noon). Wala ni isang Education subject sa buong curriculum ng BSMath, kaya akala ko noon, magiging mathematician o kaya’y calculator technician ako, haha! Pero noong 2013, biglang nag-spark ang passion ko para sa pagtuturo — ganun yata talaga, bigla ka na lang tatamaan ng “gusto kong magturo” moment sa gitna ng Xs at Ys.


Dahil sa PRC requirement na kailangan ng at least 18 units ng Prof Ed para makapag-BLEPT ang non-Ed majors, pumila ako sa registrar at nag-enroll ng Prof Ed units. Hindi lang basta enrollment ang drama nito — dagdag bigat siya sa mga regular na subjects ko sa BSMath! Pero wala, push lang ng push kahit minsan feeling ko tatlong coffee cups na yata ang hindi ko nauubos sa isang gabi.

Sa awa ng Diyos (at sa kapeng walang katapusan), natapos ko ang 18 units habang tinatapos din ang BSMath. Imagine, nagtapos ako noong 2014 hindi lang bilang Math major, kundi may halong Prof Ed sa dugo’t diploma ko! Pero teka, walang time para magpahinga — kinailangan kong maghanap agad ng trabaho, at natanggap ako sa isang private school. Ang problema lang, hindi ko afford ang review center (sabay isip ng “Sana all” sa mga nakaka-enroll!). Alam kong kulang ang 18 units na Prof Ed na meron ako kumpara sa mga Education majors na may daan-daang units. Pero sabi ko, “Bahala na, basta Math major ako, tiwala lang!”

Paghahanda para sa BLEPT: Ang DIY Review ng Isang BSMath Graduate

Sabi nga nila, “Pag gusto, maraming paraan!” Eto ang ilan sa mga ginawa kong paraan:

  1. Pag-research ng Exam Coverage – Una kong ginawa ay mag-Google para alamin kung ano ang coverage ng BLEPT. Para akong detective sa library namin, nagbubuklat ng mga libro, pamphlet, at kung anu-ano pang materyales na puwede kong ipahiram o ipa-photocopy. Parang isang treasure hunt ang peg! Pag may nahanap, aba, parang nanalo na ako sa lotto! Buti nga meron na netong PHILBOARDS and PHILMETRICS na madaming practice tests.

  2. Pagbabasa tuwing Bakante – Kapag may mga oras na libre (halos wala, haha), nilalaan ko ito sa pagbasa ng mga theories. Yung mga praktikal na bagay naman, natututunan ko mismo sa trabaho. Literal, bawat araw sa pagtuturo ay isang on-the-job training sa pagiging guro!

  3. Strict Study Schedule – Ginawa ko ang sarili kong “homegrown” review plan. Sinubukan kong mag-set ng study time mula 8 PM hanggang 10 PM tuwing gabi. Kahit hindi madaling sundin, pinilit kong mag-focus, kasi nagkaroon na ako ng checklist ng mga topics na kailangan kong ma-review bawat gabi.

The Big Day: Araw ng Exam

Dumating ang araw ng exam, at medyo kinakabahan ako pero confident na rin — kasi sinunod ko lahat ng plano ko! Parang mayroong kong mini-celebration sa loob ko sa bawat tanong na masagutan ko nang tama. Siguro dahil sa dasal, kape, at ilang litro ng tubig, nagawa ko ‘yung exam na may ngiti sa puso (o baka gutom lang ‘yun, haha).

Pagkatapos ng Exam: Ang Resulta

Nang lumabas ang resulta, ang saya ko talaga! Pasado ako! Hindi ko maipaliwanag ‘yung excitement at relief. Sobrang saya sa feeling na ang lahat ng puyat, pagsisikap, at pagtitipid (sa review center at Starbucks) ay nagbunga rin!

Para sa mga Future BLEPT Takers

Kaya kung ikaw ay isang aspiring teacher din, laban lang! Hindi hadlang ang course o kakulangan sa Prof Ed units. Gawa ka lang ng plano mo, tiwala sa sarili, at hanap ng kahit anong resources na makakatulong sa’yo. At pinakaimportante, keep your humor intact — malaking tulong siya sa mga gabing gusto mong mag-give up pero pipiliin mong magpatuloy.

Good luck sainyo!

Post a Comment

Previous Post Next Post