Ang Aking CSE Experience

Ang Aking CSE Experience

Noong 2013, nalaman ko na puwede palang mag-take ng CSC Exam ang mga 3rd year college students. Sabi ko sa sarili ko, "Bakit hindi?" Kaya nag-file ako ng application. Pero wait, may dalang drama ito, dahil nagdalawang isip ako sa halagang P500 na bayad para sa civil service examination. Isipin mo, bilang isang estudyante, ang baon ko noon ay P100 lang sa isang araw! Isang malaking bahagi ng budget ko ‘yun, at medyo mabigat sa bulsa. Pero nagdesisyon akong ituloy na lang—kailangan ko na talagang sukatin ang aking kakayahan (oa haha)!

Marami akong self-doubt sa mga panahong ‘yun. Sabi ko, “Magtake na lang ako para malaman kung handa na akong mag-graduate o kung sapat na ba ang kaalaman ko.” Sa totoo lang, hindi ko pina-alam sa mga kamag-aral at kaibigan ko na nag-exam ako. Parang gusto kong gawing secret mission ang lahat (char)!

Araw ng Exam

Pagdating ng araw ng exam, puno ako ng kaba pero may konting excitement din, may sakit pa ako sa araw na ito. Nang lumabas ang resulta, nagulat ako! Binabati na ako ng mga 4th year students kasi nakita raw nila ang pangalan ko sa listahan ng professional level passers. Para akong umakyat sa langit! “Wow, pumasa ako!” Nagtawanan kami sa excitement. Sobrang saya, parang nanalo ako sa isang raffle! Haha!


Ngunit sa totoo lang, mahirap talaga ang mga English questions. May mga salitang napaka-unfamiliar na parang nag-audition ako para sa isang Shakespearean play! Nakaka-frustrate kasi ang mga vocabulary na iyon ay kailangan sa mga government offices. Ngayon, 2024 na, naiisip ko na dapat pala alam mo ang mga words na ito para maging handa sa mga government-related tasks.

Sa Math naman, hindi ko maikakaila na nakatulong ang pagiging BS Math major ko. Madali lang sa akin ang mga math questions, pero to be fair, kailangan mo pa rin ng at least proficient level sa high school math kasi doon talaga umiikot ang mga tanong sa math sa civil, mga word problems and basic algebra.

Para sa mga Future CSE Takers

Kaya naman, para sa mga nagnanais na kumuha ng CSE, huwag mag-atubiling subukan! Tiwala lang sa sarili at sapat na paghahanda ang kailangan. Isipin mo na lang na bawat tanong ay isang hakbang patungo sa iyong mga pangarap. At kung kulang ka sa resources, consider niyo ang pag-revisit sa mga site tulad ng PhilMetrics at PhilBoards — marami silang practice tests na makakatulong sa iyo.

Kaya niyo yan! I-enjoy niyo lang ang journey at laging isipin na kahit anong mangyari, may magandang bukas na naghihintay. Good luck sa lahat ng mga aspiring CSE takers!

Post a Comment

Previous Post Next Post